^

PSN Palaro

‘Di mapigilan ang Phoenix

Pilipino Star Ngayon
�Di mapigilan ang Phoenix
Sa New York, dumiretso ang Suns (17-3) sa kanilang ika-16 sunod na ratsada matapos angkinin ang 113-107 panalo kontra sa Brooklyn Nets (14-6).
STAR/File

Patuloy ang arangkada ng Phoenix Suns, habang bumida naman si Gabe Vincent sa panalo ng Mia-mi Heat bilang kapalit ng may sakit na si Tyler Herro.

Sa New York, dumiretso ang Suns (17-3) sa kanilang ika-16 sunod na ratsada matapos angkinin ang 113-107 panalo kontra sa Brooklyn Nets (14-6).

Kumamada si Devin Booker ng 30 points para pangunahan ang Phoenix na lumapit sa pagduplika sa kanilang pinakamahabang winning streak sa franchise history.

Nagposte si Chris Paul ng 22 points, 8 rebounds at 5 assists para maging unang player sa NBA history na naglista ng 20,000 points, 10,000 assists at 5,000 rebounds.

Umiskor si Kevin Durant ng 39 points at kumolekta si James Harden ng triple-double na 14 assists, 13 rebounds at 12 points sa pagtatapos ng four-game winning streak ng Brooklyn.

Sa Chicago, humugot si Vincent ng 16 sa kanyang 20 sa fourth period mula sa bench para tulungan ang Heat (13-7) sa 107-104 pagtakas sa Bulls (13-8) at patuloy na upuan ang No. 2 spot sa Eastern Conference.

Si Vincent ang sumalo sa naiwang trabaho ni Herro na nagtala ng ave-rage na 22.2 points per game sa huling 10 games ng Heat (13-7).

Ang ikaapat na three-point shot ni Vincent ang nagbigay sa kanila ng 92-87 abante sa 5:05 minuto ng fourth quarter bago nakadikit ang Bulls (13-8) sa 99-102 agwat mula sa layup ni DeMar DeRozan sa huling 25.9 segundo.

Sa Salt Lake City, kumolekta si Donovan Mitchell ng 21 points, 7 rebounds at 7 assists sa 127-105 paggiba ng Utah Jazz (13-7) sa New Orleans Pelicans (5-17).

Nag-ambag sina Fil-Am Jordan Clarkson at Mike Conley ng tig-20 points at may 15 markers si Joe Ingles para sa Jazz.

vuukle comment

PHOENIX SUNS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with