Request na P650 milyon ni Tolentino ok sa Kongreso
MANILA, Philippines — Maaaring magkaroon ng karagdagang pondo ang Philippine Sports Commission (PSC) para sa susunod na taon.
Ito ay matapos aprubahan ng House of Representatives ang request na dagdag na P650 milyon ng Philippine Olympic Committee (POC) para sa 2022 budget ng PSC mula sa general appropriations.
Ang nasabing pondo ay para sa mga major international competitions na sasalihan ng Team Philippines sa susunod na taon.
Nauna nang naglagay ang Department of Budget and Management (DBM), sa pamamagitan ng National Expenditure Program, ng pondong P175 milyon para sa PSC.
Ipinaalam ni Tolentino sa pagdinig ng House Committee on Finance ang kahalagahan ng mga major international competitions sa pagsakay ng bansa sa pagkopo ni Hidilyn Diaz sa kauna-unahang Olympic gold medal ng Pinas.
Ang mga lalahukan ng bansa sa 2022 ay ang Beijing Winter Olympics (Pebrero 4-20), Thailand Asian Indoor and Martial Arts Games (Marso 10-20), The World Games o TWG (Birmingham, Alabama, USA, Hulyo 7-22), Huangzhou Asian Games (Setyemnre 10-25) at Shantou Asian Youth Games (Disyembre 20-28).
Sasabak din ang bansa sa 31st Southeast Asian Games sa Vietnam.
- Latest