^

PSN Palaro

Gilas 4th place sa Jordan tilt

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bigo ang Gilas Pilipinas na magarbong isara ang kampanya nito matapos yumuko sa Tunisia, 68-80, sa battle-for-bronze match sa 10th King Abdullah Cup na ginanap sa Prince Hamzah Sport Hall sa Amman, Jordan.

Umiskor si Carl Tamayo ng 14 puntos at anim na rebounds samantalang nag­lista naman si SJ Belangel ng 12 markers subalit hindi ito sapat para dalhin ang Gilas Pilipinas sa panalo.

Nakakuha ng siyam na puntos si Isaac Go habang may pito naman si Dwight Ramos at tig-anim sina Rey Suerte, Thirdy Ravena at Justine Baltazar.

Hindi naglaro si natu­ra­lized player Angelo Kouame dahil sa minor injury na tinamo nito.

Gayunpaman, hindi naman agad sumuko ang Pinoy squad.

Nagtamo ng 16 na puntos na pagkakabaon ang Gilas nang rumatsada ito para makadikit sa 66-69 sa huling apat na minuto ng laro.

Subalit nagtulong sina Omar Abada at Jahwer Jahadi upang masawata ang paghahabol ng Gilas Pilipinas at buhatin ang 2017 Afrobasket cham­pions sa panalo.

Nangibabaw para sa Tunisia si Jahadi na kumulekta ng kabuuang 21 puntos at anim na rebounds habang nagdagdag naman si Abada ng 19 points at anim na assists.

Matamis na pagresbak ito ng Tunisia sa Pilipinas matapos lumasap ng 73-74 overtime loss sa Pinoy ca­gers sa eliminasyon.

Tumapos sa fourth place overall ang Gilas Pilipinas.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with