Bucks inangkin ang Game 2
MILWAUKEE - Kagaya ng inaasahan, naging agresibo ang Bucks para resbakan si Trae Young at ang Atlanta Hawks, 125-91, sa Game Two ng kanilang Eastern Conference finals showdown.
Humakot si Giannis Antetokounmpo ng 25 points, 9 rebounds at 6 assists at may 22 markers si Jrue Holiday para itabla ang Milwaukee sa 1-1 sa kanilang best-of-seven duel ng Atlanta.
“We came in focused on each possession at a time in Game 2, and we were able to do it together as a team,” sabi ni Antetokounmpo.
Nag-ambag si Brook Lopez ng 16 points at kumolekta si Khris Middleton ng 15 points, 8 assists at 7 rebounds para sa Bucks na naghulog ng 20-0 bomba sa second period patungo sa paglilista ng 30-point lead sa second half.
Dahil sa laki ng kanilang bentahe ay ipinahinga na ni Milwaukee coach Mike Budenholzer ang kanyang mga starters na ginaya ni Atlanta mentor Nate McMillan.
Itinala ng Bucks ang 77-45 bentahe sa halftime kung saan nakagawa ang Hawks ng 13 turnovers kasama ang walo ni Young.
Tumapos si Young na may 15 points para sa Atlanta matapos tumipa ng 48 points at 11 assists sa kanilang 116-113 pagtakas sa Game One.
Umiskor si Danilo Gallinari ng 12 points kasunod ang tig-11 markers nina John Collins at Cam Reddish.
Samantala, kinuha ng Dallas Mavericks si Jason Kidd bilang bagong head coach at kapalit ni Rick Carlisle na hinugot naman ng Indiana Pacers.
- Latest