Crawford naghihintay kay Pacquiao
MANILA, Philippines — Nakaabang ang kampo ni reigning World Boxing Organization (WBO) welterweight champion Terence Crawford sa iaanunsiyo ng grupo ni eight-division world champion Manny Pacquiao kung tuloy pa ba ang Pacquiao-Crawford fight sa Hunyo 5 sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.
Mismong si Brian McIntyre - ang trainer ni Crawford - ang nagkumpirma na naghihintay lamang ang kanilang kampo sa official announcement na manggagaling sa Pinoy champion.
Ayon kay McIntyre, nakapag-usap na ang da-lawang kampo kung saan umaasa ito na maglalabas ng statement ang Team Pacquiao noong nakaraang linggo.
Subalit walang nangyaring announcement.
Umaasa si McIntyre na ilalabas ito ng Pacquiao camp anumang araw mula ngayon.
Sa oras na maging opisyal na ang laban, saka lamang kikilos ang Crawford camp para lubos na paghandaan ang mega fight kontra kay Pacquiao.
“I’m looking at a couple of days. I’m still waiting; we’re all still waiting. Some more things need to be signed off. Then we’ll go from there,” ani McIntyre sa panayam ng Town Bizznizz.
- Latest