^

PSN Palaro

Nietes kampeon uli

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Nietes kampeon uli
Muling nakuha ni Donnie Nietes ang WBO crown
STAR/ File

WBO crown nahablot

MANILA, Philippines — Pinatunayan ni Donnie Nietes na may ibubuga pa ito matapos masungkit ang World Boxing Organization (WBO) International super flyweight.

Nagawa ito ni Nietes nang itarak ang impresibong unanimous decision win laban kay Colombian Pablo Carrillo kahapon sa Caesars Pa­lace Bluewaters sa Dubai, United Arab Emirates.

Hindi nakitaan ng pa­ngangalawang si Nietes sa kabila ng mahigit dalawang taon na pagkakatengga dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Lutang na lutang ang malalim nitong karanasan kasama ang matatalim na suntok para matamis na maibalik ang ningning sa kanyang pangalan.

Nakuha ni Nietes ang boto ng tatlong judges na nagrehistro ng 99-91, 98-92 at 96-95 desisyon.

“I’m happy that he (N­ietes) showed a great performance even on a 2-year layoff. He showed great ring control,” ani coach Edmund Villamor, ang trainer ni Nietes na kasama nito sa Dubai.

Ito ang ika-43 panalo ni Nietes sa 44 laban.

Naipagpatuloy ni Nietes ang winning streak nito sa 36 na nagsimula pa noong Setyembre ng taong 2004.

Sa kabila ng edad na 38-anyos pinatunayan ni Nietes sa buong mundo na may bagsik pa itong taglay.

Base sa compubox, pinakawalan ni Nietes ang kabuuang 425 suntok kung saan 97 dito ang kumunekta sa Colombian pug.

Tanging 81 lamang ang tumama sa 415 suntok na pinakawalan ni Carrillo.

Ito ang unang pagsalang ni Nietes matapos ang mahabang panahon ng pagkakatengga.

Nasilayan sa aksyon si Nietes noon pang Dis­yembre 2018 nang pataubin nito si Japanese boxing star Kazuto Ioka via split decision para sa WBO junior bantamweight belt sa labang ginanap sa Macau.

Target ni Nietes na su­­nod na makasagupa sinuman kina Juan Francisco Estrada, Srisaket Sor Rungvisai at Roman “Cho­colatito” Gonzales.

vuukle comment

WBO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with