ABAP muling hinirang na PSA NSA of the Year
MANILA, Philippines — Sa ikalawang sunod na pagkakataon ay ibibigay ng Philippine Sportswriters Association (PSA) sa Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) ang NSA (National Sports Association) of the Year trophy.
Sa ilalim ng liderato ni ABAP president Ricky Vargas ay nakasuntok ng tiket sina middleweight Felix Eumir Marcial at flyweight Irish Magno para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.
Igagawad sa boxing federation ang special award sa SMC-PSA virtual Awards Night sa Marso 27 sa TV5 Media Center.
Ang nasabing event ay inihahandog ng Philippine Sports Commission (PSC) at Cignal TV katuwang ang 1-Pacman Partylist at Rain or Shine bilang major backers.
Inangkin nina Marcial at Magno ang kani-kanilang Olympic mula sa nilahukang Asia and Oceania Boxing Qualification Tournament sa Amman, Jordan.
Ibinulsa ni Marcial ang gold sa kanyang weight division at nanaig naman si Magno sa box-off kay Sumaiya Qosimova ng Tajikistan.
- Latest