De Los Santos naka-22 ginto na
MANILA, Philippines — Muling nagpasiklab si Orencio James De Los Santos matapos mamayagpag sa men’s seniors individual kata sa Athletes E-Tournament kahapon.
Inilabas ni De Los Santos ang panibagong world-class performance nito upang mairehistro ang 25-4 - 24.6 panalo laban kay Domont Matias Moreno ng Switzerland sa championship round.
Ito ang ika-22 gintong medalya ni De Los Santos sa online tournaments.
Umabante sa gold-medal match si De Los Santos matapos patalsikin si Alfredo Bustamante ng Amerika sa semifinals.
Ito ang ikalawang sunod na pagkakataon na tinalo ni De Los Santos sa finals si Moreno na magugunitang pinataob din ng Pinoy bet para masikwat ang kampeonato sa Nox Dojo Markham City Open noong Linggo.
Hinihintay pa ni De Los Santos sa magiging resulta ng kampanya nito sa Golden League Karate eTournament.
Pasok na ang Pinoy karateka sa semifinals.
- Latest