^

PSN Palaro

Organizers optimistikong tuloy na ang Tokyo Olympics

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

COVID-19 vaccine abot-kamay na

MANILA, Philippines — Masaya ang Tokyo Olympics organizing committee sa balitang abot-kamay na ang vaccine na magiging sagot sa coronavirus disease (COVID-19) na siyang naging dahilan ng pagkakaantala ng 2020 Olympic Games noong Hulyo.

Sa mga naglabasang ulat, inaasahang magkakaroon na ng vaccine sa susunod na taon na magandang balita para matuloy na ang Tokyo Olympics sa Hulyo sa 2021.

Sa kabila nito, hindi nagpapakampante ang Tokyo Olympics organizing committee dahil tuloy pa rin ang pagpaplano nito may vaccine man o wala.

Desidido ang Japan na idaos ang quadrennial meet lalo pa’t handa ang mga major sponsors na tumulong para matuloy ang Olympics.

“The organizing committee is feeling the same as you probably felt, positive sentiment and relief,” ani Tokyo 2020 Games delivery officer Hidemasa Nakamura.

Mahigpit pa rin ang pagpapatupad ng matinding health protocols sa Japan para maiwasan ang pagdami ng mga tinatamaan ng sakit.

Pangunahing prayoridad ng Tokyo Olympics organizing committee sa pagpaplano nito ang masiguro ang kaligtasan ng lahat ng dadalo partikular na ang mga atleta.

Maganda ang kinalabasan ng pag-aaral ng US pharmaceutical giant Pfizer na siyang nagsagawa ng tests sa mahigit 40,000 katao.

At umaasa ang lahat na ito na ang magiging sagot sa COVID-19.

vuukle comment

TOKYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with