^

PSN Palaro

Gumabao bumuwelta sa mga bashers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  —  Bumuwelta si Miss Universe-Philippines second runner-up Michele Gumabao sa mga bashers nitong kaliwa’t kanan ang ibinabatong paninira sa kanya.

Inilabas ng Creamline Cool Smashers opposite hitter ang kanyang saloobin sa isang 24 minutong video na naka-upload sa kanyang YouTube account.

Nilinaw ni Gumabao na nagsalita ito para liwanagin ang lahat at hindi upang atakihin ang sinumang tao, grupo, organisasyon o kapwa beauty pageant contestant.

“I’m not sharing this to attack anyone. I just want to share the truth to be able to move forward,” ani Gumabao.

Inamin ni Gumabao na nalungkot ito sa maaanghang na salitang ibinabato sa kan`1  ya.

Makailang ulit ding pinigilan ni Gumabao na ma­ging emosyonal sa kanyang video upang ipakita ang kanyang lakas ng loob sa harap ng mga bashers.

Nagdesisyon si Gu­mabao na magsalita para tuldukan ang mga alingas­ngas na lumalabas laban sa kanya kabilang na ang umano’y pagiging bitter nito sa pagkakatalo sa beauty pageant.

Sa katunayan, nagpa­dala ito ng mensahe kay 2020 Miss Universe-Philippines winner Rabiya Mateo upang ipaabot ang kanyang congratulatory message.

“When I left. I sent a message to the winner, congratulated her and she replied Thank you,” ani Gumabao.

Matapos ang isyu, inaasahang magbabalik na sa kanyang normal na buhay si Gumabao kabilang na ang pagbabalik-training kasama ang kanyang ka­tropa sa Creamline.

vuukle comment

MICHELE GUMABAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with