^

PSN Palaro

Scrimmages lalarga na sa PBA bubble!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Scrimmages lalarga na sa PBA bubble!
Kasama sa mahigpit na health protocols ng PBA ang pagsasagawa ng swab testing bago umalis ng Maynila at ng isa pang swab testing pagdating sa Clark.
STAR/File

MANILA, Philippines — Sa wakas, makakatikim na ng maayos na training ang 12 teams na magbabakbakan sa pagbabalik-aksyon ng PBA Season 45 Philippine Cup sa isang bubble setup sa Clark, Pampanga.

Matagal-tagal ding hindi nakatikim ng actual game ang mga koponan.

Kaya naman sabik na ang mga ito na muling makapagsagawa ng scrimmages at 5x5 games para paghandaan ang PBA restart sa Oktubre 11.

Hinihintay na lamang ng mga koponan ang resulta ng swab testing na isinagawa sa Clark bago tuluyang masimulan ang scrimmages.

Kasama sa mahigpit na health protocols ng PBA ang pagsasagawa ng swab testing bago umalis ng Maynila at ng isa pang swab testing pagdating sa Clark.

Ito ay upang masiguro na ligtas ang lahat at walang makakapasok na positibo sa coronavirus bago simulan ang scrimmages.

“Kapag negative yung test result, simula na agad ng scrimmages,” ani Marcial.

Magkakaroon ng dalawang oras ang bawat koponan para mag-ensayo.

Sa oras na matapos ang ensayo ng unang koponan, agad na lilinisin ang venue sa pamamagitan ng di­sinfection sa lugar at mga kagamitan bago gamitin ng susunod na koponan na magsasanay.

Ganito rin ang ipatutupad sa aktuwal na laro.

Magkakaroon ng isang oras na pagitan ang bawat laro para bigyang-daan ang disinfection sa venue at mga equipment.

Gagamiting practice venue ang Angeles University Foundation gym na siya ring pagdarausan ng aktuwal na mga laro sa oras na magsimula na ang restart.

Inaasahang ilalabas na ng PBA management ang schedule ng mga laro sa Oktubre 5 o 7.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with