^

PSN Palaro

Triple-header sa bawat playdate ng PBA?

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Triple-header sa bawat playdate ng PBA?
PBA Charinaman Ricky Vargas
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kung magkakaisa ang mga miyembro ng PBA Board of Gvernors na ituloy ang nadiskaril na 2020 Philippine Cup sa Oktubre ay maaaring magkakaroon ng triple-header sa bawat playdate.

“Baka damihan natin iyong game days. Puwedeng four or five times a week, or double o triple header per day,” ani PBA Commissioner Willie Marcial.

Ngunit pagdating sa best-of-seven championship series ay hindi ito puwedeng gawin ng araw-araw.

Inihinto ang season-opening conference no­ong Marso 11 tatlong araw matapos buksan sa pamamagitan ng laban ng nagdedepensang San Miguel at Magnolia.

Ito ay dahil sa pagputok ng coronavirus disease (COVID-19) na dumiskaril sa Season 45 ng liga hanggang ngayon.

Kamakailan ay sinimulan ng mga PBA teams ang kanilang pagbabalik sa training at conditioning sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) bilang pagsunod sa patakaran ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Umaasa ang liga na muli nilang mabubuksan ang 2020 Philippine Cup sa susunod na buwan.

Nakatakdang talakayin ang mga ito sa pulong ng PBA Board sa susunod na linggo, ayon kay PBA chairman Ricky Vargas ng TNT Katropa. 

vuukle comment

RICKY VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with