^

PSN Palaro

Marcial pumirma na sa MP Promotions

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Marcial pumirma na sa MP Promotions
Eumir Marcial at Pacquiao
Released/AFP

MANILA, Philippines — Pormal nang pumirma ng anim na taong kontrata si three-time Southeast Asian Games champion Eumir Felix Marcial sa MP Promotions na pag-aari ni eight-division world champion Manny Pacquiao.

Pinili ni Marcial ang MP Promotions dahil sa buong-pusong suporta nito sa kanyang hangaring makapagbigay ng gintong medalya sa SEA Games, Asian Games at higit sa lahat sa Olympic Games.

“Nais ko po na iparating sa lahat ang aking desisyon na pumirma ng isang promotional deal sa Manny Pacquiao Promotions,” ani Marcial sa isang statement.

Ayon kay Marcial, nangako ang MP Promotions na hindi nito hahadlangan ang kanyang tungkulin sa national team na nagsilbi nitong stepping stone para maabot ang kanyang pangarap.

“Napili ko ang MP Promotions dahil sa kanilang 100% support sa a­king hangarin na lumaban pa para sa Pilipinas sa mga future SEA Games at Asian Games competitions at maging sa Olympics,” ani Marcial.

Sa katunayan, masisilayan si Marcial sa Tokyo Olympics sa susunod na taon kung saan pakay ng Pinoy champion na masungkit ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas.

Napaulat na tumataginting na $200,000 o P10 milyon ang anim na taong kontrata ni Marcial sa MP Promotions.

“Nakasaad sa aking six-year-promotional deal na hindi sila magiging hadlang sa oras na kailanganin ako ng national team,” ani Marcial.

Isa pang dahilan ni Marcial ang mataas na respeto nito kay Pacquiao na itinuturing nitong pangunahing inspirasyon sa kanyang boxing career.

Marami nang natulungang boksingero si Pacquiao na naging matagumpay sa kani-kanilang dibisyon gaya nina world champions, Johnriel Casimero (WBO bantamweight crown), Jerwin Ancajas (OBF junior bantamweight title) at Pedro Taduran (IBF mini-flyweight belt).

“Karangalan ko rin na maging gabay sa aking bo­xing career si Senator Manny Pacquiao na sa tulong ni MP Promotions president Sean Gibbons ay naging instrumento sa tagumpay ng ating mga current world champions Pedro Taduran, Johnriel Casimero at Jerwin Ancajas,” ani Marcial.

Hindi naman nakakalimutan ni Marcial na lumingon sa kanyang pinanggalingan dahil nagpasalamat ito sa kanyang pamilya at sa buong pamunuan ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) gayundin kina Atty. Clint  Aranas at Atty Jeff Manuel David na ad­visers nito sa usaping legal at tax.

“Lubos naman ang aking pasasalamat sa mga nakasama ko sa simula pa lamang ng aking boxing career, unang-una po ang aking pamilya sa ABAP sa pangu­nguna ni President Ricky Vargas,” ani Marcial.

vuukle comment

EUMIR FELIX MARCIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with