San ka pa?
Hindi ako magugulat kung tanggapin ni Eumir Felix Marcial ang offer na maging professional boxer.
Ang ugong kasi ay may P10 million na signing bonus na ang naghihintay sa 24-year-old na pambato ng Philippine team.
Baka raw madoble pa.
May mga offers kay Marcial mula sa United States at England at kay Sen. Manny Pacquiao.
Nagsalita si Marcial kahapon na sineseryoso raw niya ang mga offers dahil magandang pagkakataon ito.
Kung ikakabuti ng career niya, bakit nga naman hindi.
Lalu na ngayon na pwede na lumaban sa Olympics ang mga professional boxers. Ibig sabihin, pwede pumirma si Marcial as a pro samantalang tuloy ang diga niya sa Tokyo Olympics.
Gustong kunin ni Marcial ang Olympic gold.
Sabi nga ng isang manliligaw, hindi maaapekuhan ang hangad ni Marcial na manalo sa 2021 Olympics kung papayag na siya na maging professional ngayon.
Tuloy ang laban niya sa Tokyo.
Sino kaya ang pipiliin ni Marcial?
Kung ako siya, kay Pacquiao na ako.
Bakit ka pa lalayo?
- Latest