^

PSN Palaro

Lady Blazers hinataw ang Lady Knights, lider na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinako ng College of Saint Benilde ang mabilis na 25-20, 25-18, 25-15 panalo laban sa Colegio de San Juan de Letran para masikwat ang solong pamumuno sa NCAA Season 95 wo­men’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Bumandera si Chelsea Umali sa matikas na kamada ng Lady Blazers matapos magrehistro ng pitong hits upang pamunuan ang Taft-based squad sa pagkopo ng ikatlong sunod na panalo.

“Every game ang focus namin. Dapat parating hundred percent kami. Sa team namin, may Team 1 at Team 2 kami na ginagamit. Gusto namin na lahat nagko-contribute talaga,” ani Benilde assistant coach Jay Chua.

Nahulog sa ikalawa ang nagdedepensang Arellano University sa 2-0 baraha.

Umiskor naman ng tig-anim na puntos sina Michelle Gamit, Jade Gentapa at Klarisa Abriam habang may tig-lima naman sina Mycah Go, Gayle Pascual, Marites Pablo at Kaila Miranda para sa Benilde.

Malakas na puwersa ang inilatag ng Lady Bla­zers sa attack line matapos magbaon ng 39 hits kumpara sa 28 ng Letran.

Lamang din ang Lady Blazers sa service area (8-3) at blocking department (5-3).

Nanaig naman ang Mapua University sa Emilio Aguinaldo College, 21-25, 25-23, 25-23, 25-22, upang sumampa sa win column.

Sa men’s division, naduplika ng Benilde ang selebrasyon matapos patumbahin ang Letran, 25-21, 25-16, 25-22, sa likod ng impresibong laro ni Vince Abrot na kumana ng 12 attacks, dalawang aces at isang block.

vuukle comment

CHELSEA UMALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with