^

PSN Palaro

Pagkakaisa para sa Olympic gold panagawan ni Romero

Pilipino Star Ngayon
Pagkakaisa para sa Olympic gold panagawan ni Romero
Rep. Mikee Romero

MANILA, Philippines — Nagpahayag si Pangulong Rodrigo R. Duterte ng karagdagang pondo para sa kampanya ng bansa sa 2020 Olympiad, dahil dito hinikayat ni Deputy Speaker Mikee Romero ang iba’t ibang stakeholders kabilang na ang mga miyembro ng House representatives sa patuloy na pagkakaisa upang makamit ang unang gintong medalya sa Olympic Games.

“Let us support President Duterte’s wish of quenching the country’s thirst for an Olympic gold,” sabi ni 1Pacman Partylist Rep. Romero.

Nangako si Romero na susuportahan niya ang lahat ng mga hakbang ng Philippine Olympic Committee (POC) President at Tagaytay City Rep. Abraham “Bambol” Tolentino para sa pagpapatupad ng nasabing proyekto.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte sa pagbisita ng mga nag-medal­yang atleta sa Malacañang noong Miyerkules na dagdagan ang monthly allo­wance ng mga mi­yembro ng national team at taasan pa ang pondo ng Philippine Sports Commission para matustusan ang kam­panya ng mga atleta sa Tokyo Olympiad.

“With President stepping in, I do believe winning an Olympic gold now is no longer impossible,” dagdag ni Romero tinukoy ang matagumpay na kampanya sa 30th Southeast Asian Games kung saan nakamit ng Team Philippines ang ikalawang overall cham­pionship trophy sa kabuuang 149 golds, 117 silvers at 121 bronzes.

Kabilang sa mga inaasahang mag-uwi ng gintong medalya mula sa 2020 Olympics ay sina gymnast Carlos Yulo at pole vaulter EJ Obiena.

Inaasahan din na makapasok sa Olympiad sina skateboarder Marge Didal at weighlifter Hidilyn Diaz at boxers Nesthy Petecio at Eumir Felix Marcial.  

vuukle comment

MIKEE ROMERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with