TNT Katropa pakay ang q’finals slot
MANILA, Philippines — Siya ang sinasabing ‘meter stick’ ng mga imports.
Ngunit ayon kay NBA veteran guard KJ McDaniels, gusto lamang niyang matulungan ang TNT Katropa sa hangarin ng koponang makuha ang korona ng 2019 PBA Governor’s Cup.
“I don’t really go out there to score points. I just want to keep better and keep ma-king my teammates better,” ani McDaniels, kumakamada ng average na 36.7 points para sa Tropang Texters. “I just go out there to do what I have to help the team.”
Pipitasin ng TNT Katropa ang unang tiket sa eight-team quarterfinal round sa pagsagupa sa Alaska ngayong alas-7 ng gabi sa Ynares Center sa Antipolo City.
Nagmula ang Tropang Texters sa 116-113 come-from-behind win laban sa Meralco Bolts (3-2) kung saan humataw si McDaniels ng career-best na 51 points para ilista ang matayog na 6-0 record.
Nagmula naman ang Aces (1-5) sa 78-71 panalo laban sa Rain or Shine Elasto Painters (1-5) na nagtampok sa pagbabalik ni scoring guard Jeron Teng.
“We’d just focus on the good things we did and use them against TNT, sabi ni Alaska coach Jeffrey Cariaso. “We have to better the way we performed so we can have a chance.”
Sa unang laro sa alas-4:30 ng hapon ay magpapang-abot naman ang Meralco at Blackwater (2-3).
- Latest