Sweep sasakmalin ng Lions
MANILA, Philippines — Maghaharap ang top seed at undefeated San Beda Red Lions at pumapangalawang Lyceum Pirates ngayon para malaman kung magkakaroon ba ng Final Four o stepladder format sa playoff round sa penultimate day ng elimination sa Season 95 NCAA basketball tournament sa The Arena ng San Juan City.
Ang three-peat champion Lions ay hindi pa natatalo sa 17 laro habang ang Pirates ay second seeded team sa 13-4 record bago ang kanilang sagupaan sa alas-4 ng hapon.
Hangad din ng Letran Knights na patatagin ang hawak sa ikatlong puwesto sa 11-6 slate sa pakikipagtuos kontra sa Emilio Aguinaldo Generals sa alas-2 ng hapon.
Bukod sa Pirates wala ng ibang koponan na puwedeng humadlang sa Red Lions sa hangarin nitong walisin ang double-round elimination kung saan magiging step-ladder ang format sa playoff round.
Sa stepladder format, maghihintay ang top seed at undefeated team ng makakaharap sa best-of-three finals habang magtitipan muna ang fourth finisher at third placer sa knockout match at ang magwawagi ay lalaban sa second seeded team bago umentra sa finals.
Kung mabibigo ang San Beda, hahantong ang playoff round sa nakasanayang Final Four format kung saan ang top two seeds ay magkakaroon ng twice-to-beat bentahe sa paghaharap ng No. 1 kontra sa No. 4 at ng No. 3 laban sa No. 2 at ang magwawagi sa dalawang semis matches ay magtatagpo sa best-of-three finals.
- Latest