Oftana kinilalang NCAA Player of the Week
MANILA, Philippines — Tinanghal ang MVP leading candidate na si Calvin Oftana bilang Chooks-to-Go Collegiate Press Corps NCAA Player of the Week dahil sa kanyang malaking tulong sa malinis na 17-0 kartada ng ‘three-peat’ champions na San Beda Red Lions sa 95th Season NCAA men’s basketball tournament.
Sa kanilang ikalawang panalo laban sa Blazers, 95-73, ay nagtala si Oftana ng 29 points, 9 rebounds, 5 assists at 2 steals para sa Red Lions.
Ang one-point halftime deficit sa Blazers ay naging 72-58 bentahe sa third quarter matapos umiskor si Oftana ng 13 points na naging daan para sa malaking rally tungo sa paglapit sa asam na sweep sa elimination.
Nagtala si Oftana ng mga averages na 14.6 points, 8.0 rebounds, 2.6 assists at 1.2 blocks para pamunuan ang MVP race sa NCAA Season 95.
Naungusan ni Oftana sina teammate James Kwekuteye, Noah Lugo ng Mapua, Allyn Bulanadi ng San Sebastian at Justin Gutang ng St. Benilde para sa nasabing lingguhang parangal ng NCAA Press Corps.
- Latest