^

PSN Palaro

Tsansa sa quarterfinals binuhay ng Northport

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Makakatulog na ng mahimbing si coach Pido Jarencio.

Ito ay matapos wakasan ng NorthPort ang kanilang apat na sunod na kamalasan sa pamamagitan ng 80-70 panalo laban sa Phoenix sa 2019 PBA Governor’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Itinala ng Batang Pier ang kanilang ikalawang panalo para itaas ang baraha nila sa 2-4 at buhayin ang tsansa sa eight-team quarterfinal round.

Nabigo ang Fuel Masters na maduplika ang nauna nilang 86-84 panalo laban sa Rain or Shine Elasto Painters para sa 2-5 kartada.

Inilista ng NorthPort ang 13-point lead, 31-18 sa opening period hanggang maagaw ng Phoenix ang unahan sa 61-60 buhat sa jumper ni Jason Perkins sa 9:10 minuto ng fourth quarter.

“They had us in the beginning. We just had to keep working hard. We hit some big shots in the end and that’s the story,” sabi ni Batang Pier power forward Mo Tautuaa, humakot ng 16 points, 9 rebounds at 4 assists, sa nasabing pagbangon ng Fuel Masters sa second half.

Muling nabawi ng NorthPort ang bentahe sa 72-65 mula sa free throw ni Kevin Ferrer sa huling 3:01 minuto ng laro habang ang split ni import Eugene Phelps ang nagdikit sa Phoenix sa 68-74 sa 1:46 minuto nito.

Makaraan ang dala­wang free throws ni Tautuaa ay natawagan naman ng offensive foul si Perkins sa posesyon ng Fuel Masters na nagresulta sa basket ni import Mychal Ammons na naglayo sa Batang Pier sa 80-68.

Ang tirada ni Ferrer sa nalalabing 24.1 segundo ang tuluyan nang sumelyo sa panalo ng NorthPort, nakahugot kay Paolo Taha ng 14 points kasunod ang 12 at 11 markers nina Ammons at Garvo Laneta, ayon sa pagkakasunod.

Umiskor naman si Alex Mallari ng 15 points sa panig ng Phoenix habang may 14 markers si Phelps.

vuukle comment

NORTHPORT

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with