^

PSN Palaro

Motolite nakasilip pa ng tsansa sa F4

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malakas na boltahe ang inilabas ng Motolite sa huling sandali ng laro upang pabagsakin ang Reinforced Conference champion PetroGazz, 22-25, 25-13, 25-16, 16-25, 15-11 kahapon sa Premier Volleyball League Open Conference sa The Arena sa San Juan City.

Dahil sa panalo, muling lumakas ang tsansa ng Power Builders sa semifinal race matapos umangat sa 8-5 baraha.

Nagsilbing lider ng Motolite si playmaker Fenela Emnas nang maglatag ito ng 24 excellent sets ka­lakip ang tatlong hits para tulungan ang kanilang attackers na makalikom ng importanteng mga puntos.

Kumayod ng husto sina University of the Philippines aces Isa Molde at Diana Mae Carlos para pamunuan ang ratsada ng Power Builders habang nakatuwang ng dalawa sina Bernadeth Flora, Myla Pablo at Aie Gannaban.

Nakauna ang Gazz Angels sa fifth set tangan ang dikit na 8-7 bentahe.

Subalit agad na umariba ang Power Hitters nang humataw si Molde ng off-the-block hit na sinundan ng dalawang sunod na errors mula sa PetroGazz at isa pang umaatikabong back-row attack galing kay Carlos para umangat ang Motolite sa 11-8.

Mula rito ay hindi na binitawan pa ng Power Builders ang kalamangan para matamis na kunin ang panalo.

Sa Collegiate Confe­rence, lumapit sa korona ang Adamson University matapos patumbahin ang University of Santo Tomas, 23-25, 25-17, 25-16, 21-25, 15-11 sa Game 1 ng best-of-three finals.

Samantala, inilabas na ng Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. ang 14-man final lineup ng women’s volleyball team kung saan pamumunuan ni Alyssa Valdez ang kampanya ng Pilipinas.

Makakasama ni Valdez sina Aby Maraño, Jovelyn Gonzaga, Rhea Dimaculangan, Ces Molina, Mika Reyes, Dawn Macandili, Kalei Mau, Eya Laure, Maddie Madayag, Kath Arado, Majoy Baron, Jia Morado at Mylene Paat.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with