^

PSN Palaro

Sila naman

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Mukhang bumigay na ang Golden State Warriors.

Down na sila kontra Toronto Raptors sa NBA Finals, 3-1, at kailangan nilang ipanalo ang next three games para mag-champion.

Isang himala, ala-Ginebra ang kailangan nila.

Ang ganda ng inilalaro ng Raptors, maging sa Toronto o sa San Francisco. Ibang klase si Kawhi Leonard.

Para sa akin, siya ang MVP.

Tapos na nga siguro ang pamamayagpag ng Warriors sa NBA. Ika-limang sunod na finals nila ito.

Champion sila noong 2015, 2017 at 2018.

At baka magkawatak-watak na sila tapos nito.

May pustahan dito sa opisina at sa dinami-da­mi ng mga tumaya pa­ra mag-champion ang Gol­den State, Milwaukee, Boston at Houston ay tanging isa lang ang tu­maya sa Toronto.

Bilib din ako kay Barto. May nakita siyang hin­di nakita ng iba.

Kumbaga sa karera, one winner siya kapag na­nalo ang Raptors.

Sa Martes ang Game 5 at sa Toronto ito gagawin. Inuulit ko lang, lamang ang Toronto, 3-1.

Isa na lang, NBA champions na sila.

“Kami naman!” ang si­gaw ng Raptors.

Oo nga naman.

vuukle comment

NBA FINALS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with