FIDE Age Group Standard chessfest
MANILA, Philippines — Pamamahalaan ng Olongapo City ang Invitational FIDE Age Group Standard Chess Tournament na susulong sa Mayo 10-12 sa Gordon College of East Tapinac Oval Sports Complex.
Layunin ng torneo na mabigyan ng pagkakataon ang mga batang Pinoy woodpushers na makakuha ng FIDE rating points.
Bukas sa lahat ng Filipino chessers na may edad 20-anyos pababa, ang three-day tournament ay gagamit ng nine-round Swiss System format at maglalatag ng premyong P35,000 bukod sa FIDE rating points sa lahat ng partisipante.
Ang mga kategorya sa nasabing event ay ang 12-and-under (2007 cutoff year), 16-and-under (2003) at premier 20-and-under (1999).
Para sa detalye ay maaaring tawagan si Joel Villanueva ng City Sports and Youth Development Office sa 0950-9060341 o magpadala ng message sa kanyang Facebook o email account na [email protected].
- Latest