^

PSN Palaro

San Miguel-Alab pupuntirya uli ng panalo sa Mono Vampire

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Susubukan ng San Miguel-Alab Pilipinas na muling masawata ang Mono Vampire Basketball Club sa kanilang teritoryo sa muling pagbisita ng Asean Basketball League (ABL) Season 9 sa Stadium 29 sa Nonthaburi, Thailand.

Lalarga ang bakbakan ng Beermen at Vampire sa alas-3 ng hapon (alas-4 sa Maynila).

Hindi matinag sa una­han ng standings ang Alab Pilipinas tangan ang 15-3 karta.

Galing ito sa 108-81 demolisyon laban sa Zhuhai Wolf Warriors noong Linggo sa Sta. Rosa Multi-purpose Complex sa Laguna para mabiyayaan ng awtomatikong silya sa playoffs.

Magbabalik aksiyon na si Puerto Rican import PJ Ramos na nasuspinde dahil sa ikalimang technical foul na naibigay nito sa kanilang 105-79 panalo sa Zhuhai noong nakaraang linggo sa Doumen Gymnasium sa China. 

Sa kabilang banda, nais ng Mono Vampire na mapaganda ang kanilang 5-13 baraha.  

vuukle comment

MONO VAMPIRE BASKETBALL CLUB

SAN MIGUEL-ALAB PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with