^

PSN Palaro

Lady Red Spikers itataya ang liderato

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itataya ng San Beda University ang imakula­dang rekord nito sa laban sa College of St. Benilde sa pagpapatuloy ng NCAA Season 94 women’s volleyball tournament ngayong araw sa San Juan City.

Nakatakda ang bakbakan ng Lady Red Spi­kers at Lady Blazers sa alas-12 ng tanghali na susundan ng engkuwentro ng Lyceum of the Philippines at Mapua University.

Nasa unahan ng stan­dings ang San Beda at nagdedepensang Arellano University na taglay ang parehong 5-0 marka.

Kaya’t ang panalo ng Lady Red Spikers sa Lady Blazers ang magdadala sa kanila sa solong pamumuno.

Hindi madali ang daang tinahak ng San Beda bago kunin ang ikalimang panalo.

Kinailangan nito ng solidong laro ni team captain Cesca Racraquin sa fifth set para kunin ng Lady Red Spikers ang 17-25, 25-13, 25-9, 21-25, 15-11 desisyon laban sa Jose Rizal University noong Huwebes.

Kumana si Racraquin ng 25 hits kabilang ang krusyal na mga puntos sa huling bahagi ng laro

Ngunit hindi lang si Racraquin ang magbibigay ng sakit ng ulo sa Benilde dahil umaariba rin sina Nieza Viray, Trisha Paras at Satrianni Espiritu na malaki ang kontribusyon sa kanilang huling mga laro.

Galing naman ang Benilde sa 25-11, 25-20, 25-13 demolisyon laban sa EACnoong Martes.

Gaya ng dati, aasahan ng Benilde sina Klarisa Abriam, Rachel Austero at Jan Daguil para maipagpatuloy ang kanilang ma­gandang laro.

Nakatali sa two-way tie ang Benilde sa No. 3 spot kasama ang San Sebastian College-Recoletos ta­ngan ang 3-1 marka.   

vuukle comment

SAN BEDA UNIVERSITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with