^

PSN Palaro

Blaze Spikers nakauna

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Blaze Spikers nakauna
Minanduhan nina Sisi Rondina, Bernadeth Pons at Aiza Maizo-Pontillas ang balanseng atake ng Blaze Spikers para makalapit sa inaasam na kampeonato.
Joey Mendoza

Laro sa Martes (MOA Arena)

7pm F2 vs Petron (Game 2)

MANILA, Philippines — Naipako ng nagdedepensang Petron ang 25-23, 25-11, 25-17 panalo laban sa F2 Logistics para hablutin ang 1-0 bentahe sa Philippine Superliga All-Filipino Conference best-of-three championship series kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Minanduhan nina Sisi Rondina, Bernadeth Pons at Aiza Maizo-Pontillas ang balanseng atake ng Blaze Spikers para makalapit sa inaasam na kampeonato.

“Stick to game plan lang kami. Kailangan ‘wag lang kami mawala lalo na med­yo slow start kami kanina. Hard work lang talaga pinaghirapan namin para makuha namin ito. Sabi ng coaches namin huwag madaliin, hindi mo makukuha ng agad agad yung panalo kailangan pagtrabahuhan talaga namin,” ani Rondina na umiskor ng 11 attacks at isang block.

Nagrehistro rin ng mga krusyal na puntos sina Remy Palma at Mika Reyes mula sa magagandang sets ni Rhea Dimaculangan para sa balanseng atake ng Blaze Spikers.

 Ito ang ika-13 sunod na panalo ng Petron para makadikit sa tangkang  sweep sa kumperensiya.

Nagawa na ito ng Blaze Spikers noong 2015 matapos walisin ang lahat ng asignatura nito para makuha ang All-Filipino Conference title.

Lalaruin ang Game 2 sa Martes sa parehong venue.

Samantala, matikas na inilampaso ng Generika-Ayala ang Cignal, 25-12, 30-28, 25-13  para masiguro ang bronze medal.

Lalaruin ang Game 2 sa Martes sa parehong venue.

 Nangibabaw sa panig ng Lifesavers si wing spiker Patty Orendain nang kumana ito ng 16 puntos mula sa 11 attacks, apat na blocks at isang ace para buhatin ang kanilang tropa sa podium finish.

vuukle comment

PHILIPPINE SUPERLIGA ALL-FILIPINO CONFERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with