^

PSN Palaro

San Beda solido sa No. 2

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
San Beda solido sa No. 2
Guwardiyado ni Michael Calisaan ng San Sebastian si Leo Esquerra ng Jose Rizal sa aksyong ito sa NCAA men’s basketball.
Jun Mendoza

Laro Ngayon (The Arena)

12 nn. CSJL vs MU (Srs)

2 p.m. CSB vs AU (Srs)

4 p.m. UPHSD vs LPU (Srs)

MANILA, Philippines — Pinasuko ng nagdedepensang San Beda University ang Emilio Aguinaldo College, 76-57 upang mapatatag ang kapit sa No. 2 spot sa NCAA Season 94 men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Mabangis si Robert Bolick na bumanat ng double-double na 20 points at 10 rebounds kasama pa ang limang assists at tatlong steals para dalhin ang Red Lions sa ika-12 panalo sa 13 laro.

Nakatuwang nito si Javee Mocon na umariba naman ng 11 markers at pitong boards habang pare-parehong may anim na puntos sina Donald Tankuoa, Calvin Oftana at AC Soberano.

Nanganganib na masibak ang Generals na nalaglag sa 2-10 marka.

Nangibabaw para sa EAC si Cameroonian Hamadou Laminou tangan ang 15 puntos at 10 boards samantalang naglista naman sina JP Magullano (12) at Jethro Mendoza (10) ng kani-kanilang double figures.

Subalit malaking hadlang ang 26 turnovers - 16 sa second half - na nagawa ng Generals para mabigong masundan ang kanilang magandang ratsada sa first half.

Sa unang laro, sumandal ang San Sebastian College-Recoletos sa matikas na laro ni Allyn Bulanadi upang hatakin ang 82-75 panalo laban sa Jose Rizal University at manatiling buhay ang kanilang tsansa sa Final Four.

Nagpasabog si Bulanadi ng career-high 27 points kabilang ang 10 sa first quarter para pamunuan ang Stags na mapigilang sumabog ang Heavy Bombers.

Umangat sa 4-9 ang San Sebastian ngunit kailangan nitong walisin ang kanilang huling limang laro para higit pang palakasin ang kanilang pag-asa sa semis.

Tuluyan nang nama­alam sa kontensiyon ang Heavy Boombers na nahulog sa 2-11 marka. 

vuukle comment

NCAA SEASON 94 MEN’S BASKETBALL TOURNAMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with