Easy Fight
Binisita natin si Manny Pacquiao sa kanyang inuupahang mansion sa Dasmariñas Village sa Makati nung Lunes ng gabi.
Reaction sa kanilang pagkikita ni Floyd Mayweather Jr. sa Tokyo ang pakay.
Naglalaro siya ng chess. Adik sa chess si senator. Sabi nga ng kalaro, inabot sila ng 6 a.m. kaka-chess nung Linggo.
Naghintay kami matapos ang laro. Nakikipag-kwentuhan naman si Pacman kahit seryoso sa laro.
Habang naghihintay, sinilip natin ang mansion na ang bulong ay inuupahan niya ng P800,000 a month. Under renovation ang bahay niya sa Forbes Park kaya lumipat.
Halos 2 a.m. nang matapos ang laro. Dun lang nagpa-interview si senator.
Excited si Pacman sa rematch. Sana nga raw ay matuloy. Kung hindi sa December, okay din siya sa January.
Maganda raw ang pagkikita nila ni Floyd sa Tokyo.
“Nagkahamunan kasi,” sabi niya.
Hindi naman siya umurong.
Easy fight ang tawag ni Floyd sa rematch.
“Easy fight, ha?” ang sabi ni Pacquiao sa interview.
“Tingnan natin,” dagdag niya.
Parang may halong galit.
- Latest