^

PSN Palaro

Khan gigil nang makalaban si Pacquiao

Pilipino Star Ngayon
Khan gigil nang  makalaban si Pacquiao
Binisita ni Asian Games gold medalist Margielyn Didal si Senator Manny Pacquiao sa senado kasama ang kanyang mga magulang kamakalawa.

MANILA, Philippines — Numero unong prayoridad ni Amir Khan si eight-division world champion Manny Pacquiao sa lista­han ng kanyang sunod na makakalaban.

“There’s a few options out there for me but Pacquiao in my opinion is pro­bably option number one,” pahayag ni Khan sa pa­nayam ng Sporting News.

Maraming pinagsamahan sina Khan at Pacquiao.

Sa mga nakalipas na taon, iisa ang kanilang trai­ner sa ngalan ni American coach Freddie Roach.

Ngunit kumalas si Pacquiao kay Roach at kasalukuyang kasama sa training camp si Australian Justin Fortune.

Malalim ang pagkakaibigan nina Khan at Pacquiao pero kailangan itong isantabi sa oras na mag­krus ang kanilang landas sa ibabaw ng ring.

“That’s a fight I would love to have because there’s a lot of history we have between each other. We’ve trained with each other, we are friends, but sometimes we have to put our friendship to the side, so I think that (Pacquiao fight) would be perfect,” dagdag ni Khan.

Sa katunayan, na-knockout na ni Pacquiao si Khan sa isang sparring session ng dalawa noong 2014 sa Wild Card gym sa Los Angeles, California habang naghahanda ang Pinoy champion sa pagdepensa nito ng world welterweight title laban kay Chris Algieri.

Nakatakdang ipagtanggol ni Pacquiao ang kanyang WBA welterweight title sa Disyembre ngunit wala pang malinaw na pangalang posible nitong makaharap.

Nasungkit ng Pambansang Kamao ang WBA belt matapos itala ang seventh-round technical knockout win laban kay Lucas Matthysse ng Argentina noong Hulyo 15 sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Tahimik ang kampo ni Pacquiao ngunit posibleng gumugulong na ang negosasyon at inaasahang ilalatag nito ang pinal na desisyon sa oras na maisara na ang deal.

Isiniwalat ni Mikey Garcia kamakailan na nakiki­pag­-usap na ito sa Team Pacquiao para sa posibilidad na paghaharap. (CCo)

vuukle comment

AMIR KHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with