Pacquiao by decision; Lucas via KOS - De La Hoya
KUALA LUMPUR – Walang mapili si Oscar De La Hoya ng Golden Boy Promotions kung sino ang mananalo kina Manny Pacquiao at world welterweight king Lucas Matthysse.
Ngunit may naiisip na ang boxing great na mangyayari.
“If Manny Pacquiao wins, he wins by decision. If Lucas Matthysse wins, he wins by knockout,” wika ni De La Hoya sa mga Filipino scribes kahapon sa 27th floor Club Lounge ng Le Meridien Hotel.
Tinanong si De La Hoya, nagretiro matapos makalasap ng one-sided loss kay Pacquiao noong 2008, kung sino ang paboritong manalo.
At ito ay ang Filipino boxing icon.
Ngunit naniniwala si De La Hoya na magbibigay ng magandang laban si Matthysse.
“Lucas has a good chin. Lucas hits hard. His right hand is lethal,” ani De La Hoya, ang co-promoter ng MP Promotions ni Pacquiao.
Hahamunin ni Pacquiao si Matthysse para sa suot nitong WBO welterweight belt sa Linggo sa Axiata Arena.
Nagbabala si De La Hoya kay Pacquiao.
“He has to be careful with Lucas power. If Lucas wins this, it’s going to be one of those one-punch knockouts. He’s no joke,” sabi ni De La Hoya.
Ipinaalala ni De La Hoya kay Pacquiao ang sixth-round knockout loss nito kay Juan Manuel Marquez noong 2012.
Sinabi niyang maaari itong maulit.
“It’s sometimes hard to recover from a devastating knockout. But Manny has proven that he’s back. That he still has it,” wika pa ng promoter.
Related video:
- Latest