^

PSN Palaro

Pocari Sweat nakalusot sa BaliPure-NU

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pocari Sweat nakalusot sa BaliPure-NU
Napunta ang bola sa likod ng ulo ni Roselyn Doria ng BaliPure-NU matapos ang hataw ng isang player ng Pocari Sweat.
(Kuha ni Ernie Peñaredondo)

MANILA, Philippines — Naitakas ng reigning champion Pocari Sweat-Air Force ang pahirapang 29-27, 20-25, 19-25, 26-24, 15-13 panalo laban sa BaliPure-National Univer­sity para buhayin ang pag-asa sa semis sa Premier Volley­ball League Reinforced Conference kahapon sa The Arena sa San Juan Ci­ty.

Sumulong ang Lady Warriors sa 3-1 kartada kung saan sumandal ang tropa sa matikas na laro ni veteran playmaker Wendy Anne Semana na nag­rehis­tro ng 42 excellent sets kasama ang 10 digs.

“Nag-focus lang kami sa game hindi kami bumitaw. Wala kaming receive, wala kaming depensa kaya hirap kami maka-attack. Medyo off kaming lahat. Pe­­ro ipinakita ko sa team na bilang setter, kaila­ngan ko magsipag. Nandun ‘yung effort kahit pangit ang receive kailangan ko ma­itaas ang bola para sa spi­kers ko,” ani Semana.

Pagkakataon na sana ng Water Defenders na ma­kuha ang panalo matapos iselyo ang 24-21 bentahe sa fourth set.

Subalit nagsanib-pu­wersa sina Maddie Palmer, Myla Pablo at Arielle Love sa pagtarak ng limang su­nod na puntos upang ma­ipuwersa ng Pocari-Air Force ang fifth set.

Inilabas ng Lady Warriors ang malalim na kara­na­san sa deciding set para ma­kuha ang come-from-be­hind win.

Bagsak ang Water Defenders sa 1-2 baraha.

Kinakailangan ng BaliPure-NU na maipanalo ang kanilang mga nalalabing laro at umasa na matalo ang mga nangungunang ko­ponan.

Sa men’s division, pinataob ng Philippine Air Force ang Instituto Estetico Manila, 25-19, 25-19, 17-25, 25-22, para makumpleto ang semis cast.

Nanguna si Ismail Fauzi nang umiskor ng 16 puntos para sa Jet Spi­kers ( 2-0) na sumosyo sa PLDT (2-0) sa unahan ng standings.

Makakasama ng Air Force at PLDT sa Final Four ang Cignal at Vice Co. na nabiyayaan ng outright semis seat.

vuukle comment

BALIPURE-NATIONAL UNIVER­SITY

POCARI SWEAT-AIR FORCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with