^

PSN Palaro

Game Na

PRESS ROW - Pilipino Star Ngayon

Kasado na ang laban.

Finally.

Si Oscar De La Hoya mismo ang nag-announce sa Twitter na nagkasundo na sila ni Manny Pacquiao.

Hindi sila ang maglalaban. Pero si Dela Hoya kasi ang promoter ni Lucas Matthysse, ang WBA welterweight champion ng  Argentina.

Nabago na naman pala ang date ng laban.

Mula sa June 24 na naging July 8 ay naging July 15 na.

Lugar lang ang hindi nabago. Sa Kuala Lumpur, Malaysia ito gaganapin.

“Signed, sealed and delivered,” ang sabi ni De La Hoya.

Ibig sabihin ay nagkapirmahan na.

“It’s on,” ang sabi naman ni Pacquiao sa Instagram.

So, tuluy na tuloy na ang laban.

Sasampa si Pacquiao sa ring mahigit isang taon matapos ang huli niyang laban.

Kampante naman ako kay Pacquiao na may taglay pang lakas at galing kahit na nabawasan na ang bilis.

Ang tanong lang ay kung kinalawang siya.

Hindi masyadong makikita sa training ‘yan. Dahil kahit sa sparring, hindi naman todo buhos.

Sa loob ng ring malalaman. Kung tumagal ang laban, dun natin makikita kung kinakapos siya sa hininga.

Iba ang training. Iba ang actual na laban.

‘Wag naman sana.

vuukle comment

OSCAR DE LA HOYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with