Texters sinira ang Picanto
Laro Bukas(MOA Arena, Pasay City)
4:30 p.m. Blackwater vs Magnolia
7 p.m. Rain or Shine vs Meralco
MANILA, Philippines — Maagang nagdiwang ang TNT Katropa nang maiposte ang 11-point lead sa gitna ng fourth quarter.
Ngunit nagkamali sila sa pag-estima sa Kia.
“When you go to a game against Kia, people expect a blowout game. But me as a coach, Instead of focusing on those blowout losses, I was focusing on that win against Rain or Shine,” sabi ni Tropang Texters’ head coach Nash Racela sa Picanto.
Bagama’t naisuko ang malaking kalamangan ay nanatili sa kanilang estratehiya ang TNT Katropa para patumbahin ang Kia, 90-85, sa 2018 PBA Philippine Cup kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Umiskor sina Kelly Williams at Jayson Castro ng 23 at 22 points, ayon sa pagkakasunod, para sa ikaapat na panalo ng Tropang Texters sa pitong laro.
Nalasap naman ng Picanto ang kanilang ikalawang sunod na kabiguan makaraang wakasan ang 16-game losing slump sa pamamagitan ng paggitla sa Rain or Shine Elasto Painters.
Itinala ng TNT Katropa ang 11-point lead, 81-70, mula sa three-point shot ni Castro sa 6:35 minuto ng fourth quarter.
Subalit nagsumikap ang Kia at nakadikit sa 85-89 agwat galing sa layup ni Pedrito Galanza sa nalalabing 13.5 segundo.
Sinelyuhan ni guard RR Garcia ang panalo ng Tropang Texters mula sa kanyang split sa 9.6 segundo.
TNT Katropa 90 - Williams 23, Castro 22, Garcia 13, Semerad 7, Torres 7, Rosario 6, Pogoy 5, Carey 3, Reyes 2, Onwubere 2, Hernandez 0.
Kia 85 - McCarthy 21, Corpuz 17, Galanza 9, Camson 8, Yee 7, Khobuntin 6, Lastimosa 5, Escoto 5, Tubid 3, Gabriel 2, Sara 2, Ababou 0.
Quarters: 28-24, 42-29, 69-62, 90-85.
- Latest