Ravena lalaro sa Texas Legends sa NBA D-League
MANILA, Philippines - Buhay ang NBA dreams para kay dating UAAP MVP Kiefer Ravena matapos itong kunin ng Texas Legends bilang developmental player sa NBA D-League.
Sa statement na inilabas ng Texas Legends na siyang NBA developmental team ng Dallas Mavericks, isa si Ravena sa dalawang manlalarong napili nito upang mapasama sa koponan.
“The legends will also have two developmental players: Kiefer Ravena and David Allen. The team will open the season at home hosting the Maine Red Claws at 7:30 pm November 12th,” ayon sa statement ng koponan.
Handa naman si Ravena na harapin ang anumang pagsubok upang mabigyang katuparan ang kanyang pangarap na makapaglaro sa NBA.
At ang maging bahagi ng Texas Legends ay isa sa mga unang hakbang.
“Wherever and whatever it takes. See you Dallas,” wika ni Ravena sa kanyang Twitter account.
Si Ravena ay bahagi ng Gilas Pilipinas ngunit hindi ito lumahok sa nakalipas na PBA Annual Rookie Draft.
Dati nang naglaro para sa Texas Legends si two-time UAAP MVP Bobby Ray Parks kung saan nagtala ito ng averages na 4.6 points, 1.9 rebounds at 0.8 assists.
Kamakailan ay napili ito ng Westchester Knicks sa 2016 NBA D-League draft.
Subalit hindi ito napasama sa final lineup ng Westchester para sa pagbubukas ng bagong kumperensiya ng D-League.
“The following players have been waived from Westchester’s training camp roster: Gabe McCray, Dane Miller, Bobby Ray Parks Jr.,” ayon sa pahayag ng Westchester.
- Latest