^

PSN Palaro

Baldwin problemado sa injury ng ilang Gilas players

Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na matapus-tapos ang nangyayaring kamalasan sa Gilas Pilipinas.

Patuloy na nagiging problema ng bansa ang injury sa mga key players simula nang magpadala ng mga PBA players sa international tournaments noong 1990 Beijing Asian Games.

Ngunit para kay Gilas Pilipinas coach Tab Baldwin, ito ay talagang nangyayari sa professional sports.

“It happens every single year. Hardly ever in my career have I gone into any season or campaign with a fully healthy team. It’s part and parcel of being in sports, professional sports, and there’s nothing we can do about it,” wika ni Baldwin.

Hinaharap ngayon ng veteran international coach ang problema sa injury ng mga players na kanyang kukunin para maglaro sa darating na FIBA Olympic Qualifying Tournament sa July 5-10 sa MOA Arena sa Pasay.

Boluntaryo nang umalis sa koponan sina Greg Slaughter, Matt Ganuelas-Rosser at Paul Lee dahil sa kanilang mga injuries, habang pinapagaling naman nina gunners Marcio Lassiter, Jeff Chan at Ryan Reyes ang kanilang mga katawan isang buwan bago ang  pinakahuling qualifying event para sa Rio Olympics.

“I’m not going to sit around crying over spilled milk. Gilas will move on,” wika ni Baldwin.

Noong 2015 FIBA Asia Changsha meet kung saan tumapos ang Pilipinas sa China sa ikalawang puwesto para makalaro sa FIBA OQT ay hindi naglaro sina June Mar Fajardo, LA Tenorio, Japeth Aguilar, Slaughter, Lassiter, Chan at Lee dahil sa iba’t ibang dahilan.

Ang mga injury din ang naging suliranin ng mga nakaraang national teams nina coaches Robert Jaworski, Norman Black, Tim Cone, Jong Uichico, Chot Reyes at Yeng Guiao.

Napilitang isuko ni Jerry Codiñera, nasa pinakamaganda niyang porma, ang kanyang puwesto para sa unang Philippine all-pro team na ipinadala sa 1990 Beijing Asian Games bunga ng isang kidney problem.

Naiwan sina Benjie Paras, Ramon Fernandez, Chito Loyzaga at Alvin Patrimonio at nagtapos ang Nationals sa ikalawang posisyon sa ilalim ng host team.

vuukle comment

RH LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with