Curry hinirang bilang Male Athlete of the Year
OAKLAND, Calif. — Masusukat ang kahusayan ni NBA superstar Stephen Curry sa kanyang record-setting shooting numbers na siyang nagpapabago sa laro.
Habang maraming NBA greats ang umaasa sa kanilang height at athletic ability na pinapangarap ng mga average fans, ang laro naman ni Curry ay nagpapakita naman sa kanyang shooting, dribbling at passing skills na matututuhan ng isang ordinaryong player.
Ngunit ang kaibahan ay wala pang player na napagsasabay ang tatlong skills kagaya ni Curry na gumiya sa Golden State Warriors sa NBA crown.
“The way that I play has a lot of skill but is stuff that if you go to the YMCA or rec leagues or church leagues around the country, everybody wants to shoot, everybody wants to handle the ball, make creative passes and stuff like that,” ani Curry.
Sa kanyang paggiya sa Warriors sa NBA title matapos ang 40 taon at ang pagbandera sa kanilang record-setting start ngayong season, hinirang si Curry ng The Associated Press bilang 2015 Male Athlete of the Year.
- Latest
















