^

PSN Palaro

Kings naisahan ng Mono Vampire sa ABL

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sumandal ang Mono Vampire Basketball Club sa matikas na laro nina Anthony McClain at Kannut Samerjai upang malusutan ang Pilipinas MX3 Kings, 76-74  kahapon sa Asean Basketball League na ginanap sa Chualongkorn University Stadium sa Thailand.

Nahawakan ng Mono Vampire ang 15-11 kalamangan sa unang kanto bago rumatsada sina Jason Deutchman at Eric Salamat ng 11-0 atake para agawin ng Kings ang bentahe sa pagtatapos ng ikalawang yugto, 22-17.

Ngunit mabilis na sumagot ang Mono Vampire nang makipagsanib-puwersa si McClain kina Jittaphon Towaroj at Samerjai tungo sa 40-37 bentahe sa pagsisimula ng third quarter.

Hawak ng Mono Vampire ang 74-71 kalamangan sa huling sandali ng laro matapos itarak ni McCain ang isang tres na siyang naging matibay na pundasyon nito upang makuha ang panalo.

Ito ang ikalawang panalo ng Mono Vampire para umangat sa 2-7 baraha habang nahulog sa 1-6 rekord ang Kings.

vuukle comment

ANG

ASEAN BASKETBALL LEAGUE

CHUALONGKORN UNIVERSITY STADIUM

ERIC SALAMAT

HAWAK

ITO

JASON DEUTCHMAN

JITTAPHON TOWAROJ

KANNUT SAMERJAI

MONO VAMPIRE

MONO VAMPIRE BASKETBALL CLUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with