^

PSN Palaro

Ateneo, EAC pupuwesto sa quarterfinals

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iuusad  ng NCAA champion Emilio Aguinaldo College Generals at UAAP titlist Ateneo Eagles ang isang paa patungong quarterfinals sa pagharap sa magkahiwalay na laro sa Spikers’ Turf Collegiate Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Masasabing mas madali ang larong haharapin ng Generals dahil katipan nila ang wala pang panalong Mapua Cardinals sa unang laro sa ganap na ala-1 ng hapon.

Tinalo ng EAC ang mga koponan ng UE Warriors at FEU Tamaraws para saluhan ang National University Bulldogs sa liderato sa Group A sa 2-0 baraha.

Tiyak na lalabas ang buong puwersa ng Generals  upang ipatikim sa Cardinals ang  kanilang ikatlong sunod na pagkatalo.

Ang Eagles ay masusukat dahil katipan nila ang UP Maroons sa huling laro dakong alas-5 ng hapon.

Labanan para sa lide­rato ang magaganap dahil parehong wala pang talo ang  Ateneo at UP matapos ang dalawang laro sa Group B sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT Home Ultera.

Ang ikalawang laro dakong alas-3 ng hapon ay sa pagitan ng FEU at UE at ang magwawagi ay papasok sa win-column sa Group A.

vuukle comment

ANG

ANG EAGLES

ATENEO EAGLES

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

GROUP A

GROUP B

HOME ULTERA

MAPUA CARDINALS

NATIONAL UNIVERSITY BULLDOGS

SAN JUAN CITY

SPORTS VISION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with