^

PSN Palaro

Lady Blazers nabiyayaan sa panalo ng Lady Chiefs

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagtambal  sina Danna Henson at Cristine Joy Rosario sa 31 kills at ang semifinalist na Arellano Lady Chiefs ay nagdomina sa Jose Rizal University Lady Bombers, 25-10, 25-14, 25-16  sa 90th NCAA women’s volleyball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Ang 31 attack points na ginawa nina Henson at Rosario ay higit ng 10 sa kabuuang naitala ng Lady Bombers (21) para sa kanilang ikawalong sunod na panalo.

Nabiyayaan din ng panalo ng Lady Chiefs ang pahingang St. Benilde Lady Blazers dahil inokupahan na nila ang ikaapat at huling upuan sa Final Four.

Ang kabiguang ito ng Lady Bombers ay kanilang ikaapat laban sa limang panalo at kahit matalo pa ang Lady Blazers (5-2) sa kanilang huling dalawang asignatura para magkatabla sa pinaglalabanang puwesto, ang Benilde pa rin ang uusad dahil sa mas magandang tie-break.

Ang San Sebastian Lady Stags at nagdedepensang kampeon Perpetual Help Lady Altas na magkasalo sa ikalawang puwesto sa 7-1 baraha ang kumumpleto sa semis cast.

Samantala, umabante na rin sa semis ang Arellano Chiefs sa bisa ng 19-25,26-28, 25-21, 25-22, 15-6, pananaig sa JRU Bombers sa men’s division.

 Namumuro sa ikaapat at huling upuan ang St. Benilde Blazers na may  5-2 baraha.

vuukle comment

ANG SAN SEBASTIAN LADY STAGS

ARELLANO CHIEFS

ARELLANO LADY CHIEFS

CRISTINE JOY ROSARIO

DANNA HENSON

FINAL FOUR

JOSE RIZAL UNIVERSITY LADY BOMBERS

LADY

LADY BLAZERS

LADY BOMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with