^

PSN Palaro

Lady Eagles, Power Attackers agawan naman sa Win No. 2: Lady Troopers, Air Spikers magkakasubukan

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

2 p.m. Air Force vs Army

4 p.m.  Ateneo vs PLDT Home Telpad

 

 

MANILA, Philippines - Kakapit pa ang dating kampeong Philippine Army Lady Troopers sa unang pu­westo sa pagbangga sa malakas na puwersa ng Philippine Air Force Air Spikers sa pagpapatuloy ngayon ng Shakey’s V-League Season 11 Open Conference sa The Arena sa San Juan City.

Galing sa straight sets panalo ang magkabilang koponan kaya’t tiyak na nasa kondisyon ang kanilang manlalaro sa bakbakan na itinakda sa ganap na alas-2 ng hapon.

Tampok na laro dakong alas-4 ng hapon ay sa ha­nay ng UAAP champion Ateneo Lady Eagles at PLDT Home Telpad Power Attackers at pag-aagawan din nila ang ikalawang sunod na panalo sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Labanan ng mga ma­hu­husay na spikers ang matutunghayan sa tagisan ng Lady Troopers at Air Spikers dahil parehong may mahuhusay na mamamalo ang dalawang koponang ito.

Sina Rachel Ann Daquis, Jovelyn Gonzaga at MJ Balse ang mangu­nguna sa Army sa pagda­dala ng setter na si Tina Sa­lak habang sina Joy Ca­ses, Maika Ortiz, Judy Ann Caballejo at setter Rhea Dimaculangan ang ipantatapat ng Air Force.

Magtutulong uli sina Alyssa Valdez, Amy Aho­miro, Dennis Lazaro at Julia Morado ang magtutulong uli para manati­ling walang talo ang Lady Eagles.

Hindi pa tiyak kung ma­gagamit na ng Po­wer Attackers ang mga ba­gong kuhang manlalaro sa pangu­nguna ni Dindin Santiago pero solido pa rin ang kanilang arsenal dahil sa katauhan nina Gretchel Soltones, Charo Soriano at Suzanne Roces.

vuukle comment

AIR FORCE

AIR SPIKERS

ALYSSA VALDEZ

AMY AHO

ATENEO LADY EAGLES

CHARO SORIANO

DENNIS LAZARO

SAN JUAN CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with