^

PSN Palaro

Huey handang sumalang sa singles sa pagharap sa Pakistan sa Davis Cup

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi mangingimi si Treat Huey na sumalang sa singles kung siya ay ta­tapikin para sa Davis Cup semifinals tie laban sa Pa­kistan na magsisimula sa Bi­yernes sa PCA Indoor Clay Courts.

Dumating na sa bansa ang Fil-Am 28-anyos na si Huey upang makasama ang iba pang Philippine Davis Cuppers  na sina Fil-Am Ruben Gonzales, Patrick John Tierro at Johnny Arcil­la na magsasanay para sa kom­petisyon.

Mahalaga ang tie sa Asia-Oceania Zone Group II dahil ang mananalo rito ay lalapit sa isang panalo para maihatid ang Pilipinas sa Group 1 sa 2015.

“Yes, hopefully,” wika ni Huey sa panayam ka­hapon. “It’s up to the captain and coach whether I play Friday’s singles of Sunday’s singles. I’m definitely ready.”

Tinuran ng 28th ranked netter sa buong mundo sa doubles na lahat ng kasapi ng koponan ay handang mag­laro kung kakaila­nganin.

Binanggit pa ni Huey na naglaro na sa limang ma­lalaking torneo sa taon, ang magandang ipinakita ni Tierro sa katatapos na Olivarez Cup-Philippine F1 Futures na kung saan uma­bot siya sa semifinals bilang wildcard, na ma­ka­katulong sa kanyang kumpiyansa.

“Johnny and Ruben played Davis Cup in the last years so all four of us are ready to play singles or doubles. We are excited to play the tie this weekend,” dagdag ni Huey.

Ito na ang ikaanim na pag­tutuos ng Pilipinas at Pa­kistan sa Davis Cup at angat ang bansa sa 5-1 iskor.

Sina Huey, Gonzales at Arcilla kasama si Francis Casey Alcantara ang bu­muo sa koponan na hinarap ang Pakistani noong 2002 sa PCA at tinalo nila ito sa 5-0 sweep.

Ngunit mas malakas ang bisitang koponan nga­yon dahil lalaro ang ka­nilang No. 1 player na si Aisam Qureshi na No. 16 sa doubles ranking.

Ang Pakistan team ay inaasahang darating nga­yon sa pamumuno nina Aqeel Khan, Yasir Khan at Mu­hammad Abid.

 

vuukle comment

AISAM QURESHI

ANG PAKISTAN

AQEEL KHAN

ASIA-OCEANIA ZONE GROUP

DAVIS CUP

FIL-AM RUBEN GONZALES

FRANCIS CASEY ALCANTARA

HUEY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with