^

PSN Palaro

Jaworski napipisil ng UE na ipalit kay Loyzaga bilang UAAP Commissioner

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi malayo na mawala na si Chito Loyzaga bi­lang commissioner sa UAAP Season 77.

Sa closing ceremony noong Miyerkules ng gabi sa Century Park Hotel, binanggit ni Rod Roque ng University of the East na may 12 pangalan ang pinagpipilian para maging commissioner sa basketball na siyang unang event ng collegiate league.

Ang UE ang siyang punong abala sa papasok na season at kasama sa pangalang pinagpipilian ay ang basketball Living Le­gend na si Robert Jaworski.

“Hindi pa namin siya nakakakusap pero kino-consider namin siya,” ani Roque.

Bukod kay Jaworski, ang pangalan nina dating PBA commissioner Noli Eala, dating PBL commissioner Chino Trinidad, veteran coach Joe Lipa, UE assistant coach Arturo “Bai” Cristobal, Red Bull coach Bong Ramos at dating PBA  referee Tito Varela ang na­banggit ng UE officials.

Inaasahang matatapos ang dalawang sunod na termino ni Loyzaga sa nasabing puwesto dahil nagkaroon ng alitan ang Red Warriors at ang dating PBA player matapos ang suspension na ipinataw kina Charles Mammie at Ralf Olivares sa krusyal na yugto sa Season 76.

Sa Hulyo 12 nakatakdang simulan ang aksyon sa basketball sa Smart Araneta Coliseum at ang UE ay makikipagtagisan sa UP sa unang laro.

Sa nasabing kaganapan ay tinanggap din ng La Salle ang overall championship trophy para lumawig sa dalawang taon ang dominasyon sa seniors division.

Pinagsaluhan naman nina WNM Jan Jodilyn Fronda ng La Salle at Camille Sambile ng FEU ang Athlete of the Year  honor.

vuukle comment

ATHLETE OF THE YEAR

BONG RAMOS

CAMILLE SAMBILE

CENTURY PARK HOTEL

CHARLES MAMMIE

CHINO TRINIDAD

CHITO LOYZAGA

JAN JODILYN FRONDA

LA SALLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with