^

PSN Palaro

Orcollo-Corteza duo may tiket na sa Last 4

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi iniwan ng ma-gandang break sina Dennis Orcollo at Lee Van Corteza upang umabante sa 888.com World Cup of Pool semifinals sa one-sided na 9-1 panalo kina Miko Balasz at Gabor Solymosi ng Hungary na nilalaro sa York Hall sa Bethnal Green, London, England.

Ito ang ikalawang sunod na taon na magkatambal sina Corteza at Orcollo at handa na nilang ibaon sa limot ang first round na pagkatalo noong 2012.

Makakalaban  nila ang pambato ng Chinese Taipei na sina Chang Jung Lin at Ko Pin Yi para sa puwesto sa Finals.

Sinorpresa nina Chang at Ko ang isa sa panlaban ng England na sina Darren Appleton at Karl Boyes sa 9-3 iskor.

Walang suwerte ang host country dahil kahit ang kanilang England B na binuo nina Chris Melling at Daryl Peach ay namaalam na rin sa kamay ng nagdedepensang kampeon na Finland na binuo nina Mika Immonen at Petri Makkonen, sa 4-9 iskor.

Kalaban nina Immonen at Makkonen sa isang semis match sina Niels Feijen at Nick Van den Berg ng Netherlands na pinagpahinga sina Naoyuki Oi at Lo Li Wen ng Japan sa dikitang 9-8 panalo.

vuukle comment

BETHNAL GREEN

CHANG JUNG LIN

CHINESE TAIPEI

CHRIS MELLING

DARREN APPLETON

DARYL PEACH

DENNIS ORCOLLO

ENGLAND B

GABOR SOLYMOSI

KARL BOYES

KO PIN YI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with