^

PSN Palaro

Goodbye Ateneo! UST sasagupa sa Nu sa final 4

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinapos  ng UST ang 14 taon na nasa Final Four  ang Ateneo sa pamamagitan ng 82-74 panalo sa pagtatapos ng 76th UAAP men’s basketball elimination round ka­gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Hindi nasayang ang pag­suporta ng mga panatiko ng Tigers nang kakitaan ng ibayong tikas ang koponan nang hindi nawala ang kumpiyansa kahit nakita ang Eagles na bumangon mula sa 18 puntos pagkakalubog (37-19) at nakalamang pa bago matapos ang ikatlong yugto (48-45).

“It’s all about puso, then yung  pride,” ani Tigers coach Alfredo Jarencio na naiba­ngon din ang sarili matapos matalo sa Eagles sa Finals noong nakaraang season tungo sa ikalimang sunod na UAAP title ng Ateneo.

Si Karim Abdul ay may 25 puntos, 9 rebounds at 5 blocks at siya ang naunang nagtrabaho matapos gumawa ng 19 puntos sa first half.

Tumahimik siya sa se­cond half pero naroroon sina Aljon Mariano, Ed  Daquioag at Jeric Teng na siyang nagtulong-tulong sa huling yugto na kung saan umiskor ng 30 puntos ang UST.

Ang bumabalik galing sa injury na si Teng ay kuma­mada ng limang sunod na free throws sa huling 27.9 segundo para maisantabi ang huling pagdikit ng Ateneo sa 77-74 mula sa tres ni Nico Elorde.

“Ayokong mangyari na ito na ang magiging last game ko. Sobrang happy ako sa panalo,” wika ni Teng, may 19 puntos at nasa kanyang huling taon ng paglalaro sa liga.

Ang panalo ang ikawalo sa 14 na laro ng Tigers para kunin ang karapatan na laban ang number one team na National University sa Final Four na magsisimula sa Linggo.

Ang La Salle at FEU ang magtatagisan sa isang pares sa semis pero magtutuos muna sila para sa number two seeding at twice-to-beat advantage sa Sabado.

Si Kiefer Ravena ay may  20 puntos, 6 rebounds at 5 assists habang si Chris Newsome ay naghatid ng 13 puntos at 7 rebounds para sa Ateneo na natapos ang streak ng paglalaro sa Final Four na nasimulan noong 1998.

Winakasan naman ng UE ang kinapos na kam­pan­ya gamit ang 76-73 panalo sa UP tungo sa 7-7 baraha.

UE 76-- Mammie 21, Casajeros 17, Olivares 12, Jumao-as 9, Alberto 7, Santos 6, Javier 4, Sumido 0, Pujante 0, Noble 0, Guion 0.

UP 73 - Marata 22, Soyud 15, Lao 10, Suarez 6, Ligad 5, Gallarza 4, Asilum 3, Wong 2, Harris 2, Ball 2, Gingerich 1, Amar 1, Paras 0, Desiderio 0.

Quarterscores: 20-19, 44-34, 66-55, 76-73.

UST 82 - Abdul 25, Teng 17, Daquioag 13, Ferrer 10, Mariano 7, Bautista 6, Sheriff 4, Pe 0, Lo 0, Lao 0.

ADMU 74 - Ravena 20, Newsome 13, Elorde 12, Buenafe 9, Pessumal 8, Golla 4, Erram 4, Tolentino 2, Tiongson 2, Capacio 0.

Quarterscores: 25-14, 39-26, 52-51, 82-74.

vuukle comment

ALFREDO JARENCIO

ALJON MARIANO

ANG LA SALLE

ATENEO

CHRIS NEWSOME

DAQUIOAG

FINAL FOUR

JERIC TENG

NATIONAL UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with