^

PSN Palaro

Tabora, Layoso bumandera sa BWC national finals

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Gumawa ng 10-game series na 2055 pinfalls si Krizziah Tabora para pa­ngunahan ang 33 iba pang lady bowlers na umabante sa second round sa 2013 Bowling World Cup natio­nal finals.

Kumatawan sa Pilipinas sa BWC noong naka­raang taon, si Tabora ay a­ngat ng 57 pins kay Rachelle Leon na may 1998 habang  71 pins ang layo ng nasa ikatl­ong si Lara Posadas (1984).

Ang beteranang si Liza del Rosario ang nasa ikatlong puwesto sa 1871.

Nangunguna naman sa kalalakihan si national bowler Benshir Layoso na may 2563 sa 12  games.

May 33 iba pa ang uma­bante at kasama rito ang six-time world champion Paeng Nepomuceno na gumawa ng 2476 para malagay sa ikaanim na puwesto.

Nasa ikalawang pu­wes­to ang national pla­yer na si Raoul Miranda sa 2523 bago sinundan ng ‘di kila­lang si Larry Tinio (2519), J. Em Ang (2491) at Jeff Carabeo (2480).

Maglalaro pa ng 12 ga­mes ang male bowlers ngayon sa Paeng’s Midtown para malaman ang top eight na papasok sa huling araw ng torneo sa Setyembre 20 sa SM Mall of Asia Center.

Ang women’s bowlers ay maglalaban para sa unang walong puwesto bukas sa SM MOA.

Biyahe sa Kras­noyarski, Russia ang premyo ng hihiranging kam­peon sa magkabilang dibisyon para katawanin ang Pilipinas sa 2013 Qubica/AMF Finals.

 

vuukle comment

BENSHIR LAYOSO

BOWLING WORLD CUP

EM ANG

JEFF CARABEO

KRIZZIAH TABORA

LARA POSADAS

LARRY TINIO

MALL OF ASIA CENTER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with