^

PSN Palaro

Iloilo softbelles ‘di kinaya ang Cantrell

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binigo  ng Canfield Lit­tle League ang hangarin ng Iloilo Province na magkaroon ng two-game winning streak papasok sa knockout quarterfinals nang patikimin nila ang nakalaban ng 1-0 pagkatalo sa pagtatapos ng pool elimination sa Junior League Softball World Series noong Miyerkules sa Kirkland, Washington.

Si Ally Sammarco ang siyang nakaiskor ng natata­nging run sa laro sa first inning bago ang depensa ng koponan mula Ohio ang pumigil sa mga scoring chances ng koponan mula Pilipinas.

Naging losing pitcher si Jade Declaro nang nagbigay siya ng isang hits at isang run at isang base-on-balls sa apat na innings.

Si Sammarco ang lead-off batter ng Canfield at agad siyang kumunekta para sa base hit. Umabante siya sa second at third sa fielder’s choice bago umiskor sa RBI ni Bridget Durkin.

Si Kayla Troxil ang lumabas bilang winning pitcher sa ginawang dalawang hits at apat na strikeouts sa apat na innings na pagpukol bago pinalitan ni Durkin na may isang hit at dalawang strikouts sa hu­ling tatlong innings.

 Tinapos ng Iloilo ang kampanya sa Pool A sa 1-3 karta upang pumang-apat sa grupo. Kalaro nila sa quarterfinals ang number one team sa Pool B na New Jersey na hindi natalo matapos ang apat na laro.

Ang Cantrell ay tumapos sa 2-2 baraha para malagay sa ikatlong puwesto sa Pool B na dinomina ng Tampa Florida na may 4-0 baraha.

vuukle comment

ANG CANTRELL

BRIDGET DURKIN

CANFIELD LIT

ILOILO PROVINCE

JADE DECLARO

JUNIOR LEAGUE SOFTBALL WORLD SERIES

NEW JERSEY

POOL A

POOL B

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with