^

PSN Palaro

2 sunod na dagok sa Iloilo softbelles

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang talo ang nang­yari sa Iloilo Pro­vince na kumakampanya sa Junior League Softball World Series na ginawa sa Kirkland, Washington.

Unang yumukod ang koponang kumakatawan sa Asia Pacific sa Tampa, Florida, 5-16, bago ito na­sundan ng 0-10 shutout sa host Kirkland para ma­kasama ang Ontario, Canada sa huling puwesto sa Pool A.

Bumigay ang pitcher ng Iloilo na si Jade Declaro sa huling dalawang innings sa seven-inning game nang pahintulutan ang host na makaiskor ng apat at anim na runs tungo sa kabiguan.

May dalawang RBIs sina Kayla Henry at Natalie Vetto habang si Lisa Nelson ay humataw ng triple para pagningningin ang 14 hits na ginawa sa laro.

Ito ang ikalawang su­nod na tagumpay ng host para makasama ang Tampa sa unang puwesto.

Sunod na kalaban ng Iloilo ay ang Canada at must-win sila kung nais na malampasan ang pool elimination.

May 0-2 karta rin ang Canada kaya’t ang mana­nalo sa kanila ng Iloilo ay may tsansang lumaban pa sa titulo sa liga.

Sa format ng kompetis­yon, ang mangungulelat sa limang koponan sa dala­wang pool ang mamama­alam agad.

Ang apat na nakata­yong koponan ay lalaro sa knockout crossover quarter­finals para madeter­mina ang mga uusad sa semifinals.

Nais na Iloilo na magkaroon ng magandang kampanya sa dibisyong ito dahil ang Little League softball team ay namaalam na sa laban matapos magkaroon lamang ng isang panalo sa apat na laro.

vuukle comment

ASIA PACIFIC

ILOILO

ILOILO PRO

JADE DECLARO

JUNIOR LEAGUE SOFTBALL WORLD SERIES

KAYLA HENRY

KIRKLAND

LISA NELSON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with