^

PSN Palaro

Semis kinumpleto ng Slammers, haharapin ang San Miguel Beer

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

(MABA Gym, Malaysia)

8 p.m. Westports

Malaysia Dragons

vs San Miguel Beer

 

MANILA, Philippines - Kinumpleto ng Sports Rev Thailand Slammers ang mga maglalaro sa ASEAN Basketball  League (ABL) Playoffs nang sila ang kumuha ng ikaapat at huling puwesto na aabante sa semifinal round.

Nakuha ng Slammers ang karapatang manatiling palaban sa titulo sa regional basketball league nang natalo ang Singapore Sli­ngers sa nagdedepensang kampeon na Indonesia War­riors, 53-63, noong Mar­tes sa Singapore Indoor Stadium.

Tinapos ng Slingers ang kampanya bitbit ang 7-15 karta at nasa ikali­mang puwesto kasunod  ng 7-14 ng Slammers.

Kalaban ng Thai team ang Saigon Heat kagabi sa Nimibutr Stadium sa Bangkok at magkakatabla pa ang Slammers at Sli­­ngers sa 7-15 baraha kung makapanorpresa ang nangu­ngulelat na Heat (3-17).

Pero dahil head-to-head results ang gagamitin para basagin ang tabla, ang Slammers ang kukuha sa huling puwesto sa bisa ng tatlong panalo na naiposte sa limang pagtutuos nila ng Slingers.

Makakatapat ng Slammers sa best-of-five semifinals series ang number one team na San Miguel Beer na wawakasan ang kampanya sa elims bukas laban sa Westports Malaysia Dragons sa MABA Gym sa Malaysia.

Bitbit ang home court advantage, ang Beermen ang tatayo bilang punong-abala sa unang dalawang laro sa Ynares Sports Arena sa Pasig City sa Mayo 23 at 25 bago lumipat sa Bangkok ang Game Three sa Mayo 28.

Kung kakailanganin, ang Game Four ay gagawin sa Mayo 30 sa Thailand habang ang deciding Game Five ay sa Hunyo 3 sa Ynares Arena.

vuukle comment

GAME FIVE

GAME FOUR

GAME THREE

INDONESIA WAR

LARO BUKAS

NIMIBUTR STADIUM

PASIG CITY

SAIGON HEAT

SAN MIGUEL BEER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with