^

PSN Palaro

V-League stars tatayong trainers sa volleyball camp

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Labing-isa sa mga na­ngungunang players ng Shakey’s V-League ang tatayong trainers sa pagdaraos ng liga ng isang outreach volleyball camp bukas sa Ateneo gym sa Quezon City.

Ang mga ito ay sina Ne­rissa Bautista, Angela Ben­ting, Fille Cainglet, Rachel Ann Daquis, Jheck Dionela, Jem Ferrer, Cherry Ma­catangay, Sue Roces, Pau Soriano, Rhea Dima­culangan at Alyssa Valdez.

Ibabahagi nila ang ka­nilang mga nalalaman sa two-session clinic na tatampukan ng pagtuturo ng basic skills training kagaya ng digging, setting, spiking at serving.

Si Ateneo coach Roger Gorayeb ang siyang camp director.

Ang training camp ay bukas sa mga babaeng may edad na 6 hanggang 18-anyos.

Magsisimula ang pagpapalista sa ganap na alas-8 ng umaga kung saan uunahin ang mga public school students.

Ang lahat ng partisipante ay dapat magdala ng kanilang mga IDs at magsuot ng puting T-shirts, playing shorts at rubber shoes.

Magkakaroon ng 32 par­tisipante bawat sesyon na nahahati sa dalawa.

Ang una ay sa alas-9 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali at ang ikalawa ay sa alas-2 hanggang alas-5 ng hapon.

 

vuukle comment

ALYSSA VALDEZ

ANGELA BEN

CHERRY MA

FILLE CAINGLET

JEM FERRER

JHECK DIONELA

PAU SORIANO

QUEZON CITY

RACHEL ANN DAQUIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with