^

PSN Palaro

ASBC Asian Confederation Youth Boxing Championships: RP youth boxers handa na sa laban

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang masinsi­nang pagsasanay, idinek­lara ng limang boksingero na lalaban sa 2013 ASBC Asian Confederation Youth Boxing Championships ang kanilang kahandaan na balikatin ang laban ng Pilipinas.

Sina Jade Bornea (49kgs.), Ian Clark Bautista (52kgs), Jonas Bacho (56kgs.), James Palicte (60kgs.) at Eumir Felix Marcial (64kgs.) ang tinapik ng ABAP para banggain ang matitikas na boksingero ng ibang nasyon sa isang linggong kompetisyon na  idaraos  sa Subic Gym.

“They’re all products of our extensive grassroots development program. Most of them have competed overseas and I’m fairly optimistic they will do well against their counterpart in the region,” ani ABAP president Ricky Vargas.

Nasa 26 bansa ang ina­asahang sisipot sa kom­petisyong lalarga mula Marso 11 hanggang 17 at ito ang pinakamalaking international tournament na gagawin sa bansa sa kapanahunan ni Vargas.

Ang mata ay tiyak na nakatuon kina Marcial at Bornea na nanalo ng medalya sa nilahukang malaking torneo sa labas ng bansa.

Isang World junior champion si Marcial noong 2011 habang nanalo ng bronze medal si Bornea sa World Youth Boxing Championships sa Armenia noong Disyembre.

Hindi naman padadaig sina Bautista at Bacho dahil ang una ay nanalo ng pilak sa President’s Cup noong 2011 habang si Bacho ay isa sa limang boksingero na nakahablot ng ginto sa Kuala Lumpur City Day Tournament noong Enero.

Mangunguna sa mga malalakas na bansa na sasali ay ang China, mga dating kasama ng Soviet Republic at ang mga bansang nasa Middle East.

Inaasahang magiging matagumpay ang kom­petis­yong isinasagawa sa pagtutulungan ng PLDT-ABAP at Subic Bay Metropolitan Authority dahil na rin sa suporta ng PLDT, Smart, NLEX, Maynilad, Clarktel, Subictel, DOT Tourism Pro­motion Board, Videogear Inc. Exile Lights and Sound, Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission.

vuukle comment

ASIAN CONFEDERATION YOUTH BOXING CHAMPIONSHIPS

BACHO

BORNEA

EUMIR FELIX MARCIAL

EXILE LIGHTS AND SOUND

IAN CLARK BAUTISTA

ISANG WORLD

JAMES PALICTE

JONAS BACHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with